Tuesday, April 28, 2009

Diesel at Gasolina...pataas...pabababa...

photo lifted from the web


Shell, Petron at Caltex...ang big three na tinatawag ay nag-rollback ng piso kada litro sa diesel at gasolina.

anakanampotah!!! hindi mo na malaman kung matutuwa ka sa ginagawa nila eh.

bakit kanyo? eh paano, dahil meron utos ang korte na buksan at busisiin ang libro ng kita ng mga hinayupak na kumpanya. hayun ang mga kumag at nagsi-tiklop at biglang nagbaba ng presyo.

anakanampotah!!!

pangitang-pangita sa mga pinagagagawa ng mga lintik na kumpanya na ang presyo ng petrolyo eh pinaglalaruan lang ng kartel na ito.

eto ang tanong, paanong nagagawa ng mga punyetang mga kumpanya ng langis ang ganyan? eh ano pa, kasi ang doe....departmeng of enotel....eh walang silbi!!!

anong madalas sabihin ng mga opisyal na inutil sa doe pag meron pagtaas ang presyo ng petrolyo. pagpapaliwanagin lang ang mga hinayupak na kumpanya ng langis at ayos na.

paliwanag lang??? hanep sa kahanep-hanepan ano po???

tsk tsk tsk...onli in da pilipins talaga!!!

hoy kayong mga inutil, gumawa naman kayo ng tama para maiba naman!!!

kayong mga ordenaryong tao, masaya ba kayo at nag-rollback ang presyo ng langis?




Friday, April 3, 2009

Pinas....rejected sa G20!!!


tsk tsk tsk.

anakanampotah!!! eh ano pa ba naman ang bago!!!

eh sa klase ba naman ng walang silbing gobyerno ng pilipinas, may aasahan pa ba tayo???

pero sa isang banda, hindi ako kumporme sa asal ng mga hinayupak na g20 na yan. hindi komo mayayaman silang bansa eh kayan-kayanan na lang nila dikta-diktahan ang mga bansang maliliit. eh kung hindi sa mga katarantaduhan nila sa sobrang pag-e-espekola ng presyo ng pandaigdigang merkado eh hindi natin mararanasan etong global crisis.

sila sila din naman ang dapat sisihin sa mga paghihirap na nangyayari ngayon. naturingan silang mga mayayamang bansa pero wala din silang magawa. tapos tayong maliit na bansa ang sisihin at pag-iinitan. dahil sa hinayupak na g20 na yan kaya ngayon mahirap pa din na bansa ang pilipinas.

tsk tsk tsk.

g20....pot@##$#^&^&U^% nyo lahat!!!

kayong mga ordenaryong tao, kumporme ba kayo na rejected ang pinas sa g20???




Wednesday, April 1, 2009

Text....50 sentimos na lang?


Totoo po ba itong nababasa ko???

Ang kapulungan ng kangkongreso ay nagtutulak ng proposisyon na gawin na lamang singkwenta sentimos ang singil sa pagte-text.

Ika nga ni Ate Guy....HIMALAAAAAAAAAAAA!!! Isa po itong
HIMALAAAAAAAAAAAA!!!

Pang April Fools Day po ba ito!?!?!?!

Biruin ninyo, sa tinagal tagal ng panahon eh naisip ninyo iyan. Tsk tsk tsk.

Pero teka, kagaya ng nabanggit ko, meron din proposisyon na lalagyan ng buwis ang pagte-text.

Aysus, iyon naman pala. Ibababa nila iyon singil pero lalagyan nila ng buwis.

Ang galing galing ninyo naman mga tsong-go!!!

Ibang klase talaga mag-isip ng paraan kung paano makakagawa ng pagnanakaw.

Tsk tsk tsk.

Ang mga kumpanya ng pagte-text malamang hindi matutuwa sa mga binabalak ng kangkongreso.

Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na tumaas ang singil sa text pero pababain ang singil sa pagtawag. Sa aking na-obserbahan sa mga tao na mahilig sa text, lalo na ang mga kabataan, ay nabo-BOBO!!!

Ang buhay nga naman. Onli in Da Pilipins!!!

Kayong mga adik sa pagte-text, matutuwa ba kayo at bababa ang singil sa text?



Monday, March 30, 2009

Form 2316: Certificate of Compensation Payment / Tax Withheld


tsk tsk tsk.

anakanampotah!!! titulo palang mababanas ka na eh!!!

eto na naman po tayong mga ordenaryong tao, bayaran na naman ng taunang buwis sa walang silbing gobyerno.

ay! hindi pala bayaran, na holdap na naman tayo. kasi hindi pa natin natatanggap ang sweldo eh nakaltas na!!! kaya nga withheld eh.

haaaayyy...kelan kaya natin masisilayan ang bunga ng ating mga pinaghirapan???

alam ninyo, ni wala akong nakikitang progreso mula pa nuong unang nag-umpisa ako mamasukan hanggang ngayon na malapit na sa panahon nang pagre-retiro. ilang pangulo na din ang naluklok sa pwesto, pero hanggang ngayon wala pa rin makikitang pagbabago.

hanggang ngayon ang pilipinas ay hindi pa din kilala sa mundo dahil isa nang progresibong bansa. kilala ang pilipinas sa lahat ng kabulastugan na nangyayari sa gobyerno.

tsk tsk tsk.

kawawa naman tayo. nagkakakanda-kuba-kuba na tayo sa pagta-trabaho pero ang walang silbing gobyerno ay nakaupo lang at panakaw-nakaw sa kabang bayan. eto pa! ngayon ay tila wala na sila manakaw. mantakin mo naman na ang "text" ay bubuwisan na din. sa susunod ay iku-kuwento ko sa inyo yan.

talaga naman oo!!!

kayo, nakapag file na ng taunang holdap ng walang silbing gobyerno?

Wednesday, November 12, 2008

13th Month Pay Bonus



hmmmm....haaaaaaaayyyy!!!

ako po'y sadyang napapabuntong-hininga kapag pinag-uusapan ang 13th month pay bonus ng mga ordenaryong tao. katapusan na naman po ng isang taong paghihirap sa trabaho at pamumuhay. sa ganitong panahon lang mararanasan ang bunga ng paghihirap na sana'y makadulot man lang ng saya at kapakinabangan sa mga pinaghirapan.

pero...

ang palagi ko pong tanong ay, "ang mga ordenaryong tao ba'y matutuwa o maiinis na meron silang 13th month pay bonus?". parang ang tila yata, ito'y isang sumpa o kamalasan dahil sa ang tawag dito ay nag-uumpisa sa "13th"???

mantakin nyo po naman, sa tuwing babasahin ang pey-slip, eh para bang meron nakapaloob na isang napakalaking palaisipan. sa tuwina'y iyong pag-iisipan ng husto kung paano kinuwentahan at kinaltasan ng buwis.

tsk tsk tsk!!!

at sa pagkaka-kwenta ng buwis, madalas pang lumalabas, na mas malaki pa yun nakaltas kesa sa iyung pera na matatanggap at mapapakinabangan ng personal!!!

anakanampotah naman talaga, oo!!!

ang walang silbing gobyerno, wala na nagawa sa mga ordenaryong tao para guminhawa ang kanilang pagta-trabaho at pamumuhay, ay may gana pang magkaltas ng buwis na saksakan ng laki!!!

ang tawag ko po dito ay.... HOLDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAP!!!

alam nyo po, ako'y sang-ayon na meron buwis, sapagkat nakasaad yan sa bibliya.

"Ibigay mo ang para kay Cesar at ibigay mo din ang para sa Diyos."

pero...

iyun ay kung ang buwis na kinakaltas ay napapakinabangan ng mga taong kinaltasan.

pero sa klase ng ating gobyerno, nakow!!! ay mali! NAKAW!!! nanakawin lang yan!!!

tanong...dapat pa bang ang ordenaryong tao ay magbigay ng buwis???

kung ako ang tatanungin, magbigay na lang ng buwis kung gusto. kung dahil ito ay napapakinabangan. ang ibig ko pong sabihin, meron bumabalik na kapakinabangan.

pero sa panahon ngayon, mas higit na kailangan ng mga ordenaryong tao ang kakarampot na kinikita. sa taas ng pamasahe, mga pangunahing bilihin sa palengke, upa sa bahay, singil sa kuryente at tubig....at marami pang iba.

tapos kakaltasan pa nang buwis ng walang silbing gobyerno ang kita mo?

susme!!! saan ka pa nyan??? ang kakapal naman talaga ng mga mukha!!!

tsk tsk tsk!!!

hoy!!! kayong mga ganid dyan, kayo dapat ang binubuwisan!!! mga tinamaan kayo ng lintek!!!

pakiusap lang, isauli ninyo ang mga ninanakaw ninyo sa kabang bayan.

huwag ninyo na holdapin ng harap-harapan ang kakarampot na kita ng mga ordenaryong tao.

para maiba, GUMAWA NAMAN KAYO NG TAMAAAAAAAAAAAAAA!!!

mga ordenaryong tao, matutuwa o maiinis ba kayo sa 13th month pay bonus?

ikaw, natuwa ka ba?

Thursday, November 6, 2008

OBAMA....Presidente na ng Amerika!!!



huwaaaaaaaaaaaaaaaw!!!

mantakin mo!?! isang itim na may lahing aprikano-amerikano ang ngayo'y bagong halal na presidente ng estados unidos!

MABUHAY ka OBAMA!!!

sa mga nakaraang linggo at buwan, akin pong masugid na sinubaybayan ang mistulang telenobela na ito ng halalan ng pagka-pangulo sa amerika. ako po'y sadyang namangha sa maturidad ng mga botanteng amerikano at sa maturidad ng proseso ng halalan.

ang pagkakahalal kay obama ay isang makasaysayan!!! puti man o itim, bumoto para kay obama!!!

at para kay mccain naman, ako'y lubos din na humanga bagaman siya'y sawi, tinanggap niya ng maluwag sa kalooban ang pagkatalo at nangako na tutulong kay obama para sa kaginhawahan ng bansang amerika.

alam nyo po, sa hindi maipaliwanag na damdamin, ako po'y napaluha habang aking pinanonood sa telebisyon ang pagtatalumpati ni obama ng kanyang tanggapin ang kanyang pagkakahalal bilang pangulo.

una, siguro ang dahilan ay, ako po'y lubos na nagalak sapagkat ang isang itim ay kayang maluklok sa pinaka-mataas at pinaka-makapangyarihang posisyon sa buong mundo.

ika nga ni obama... "YES WE CAN!!!"

pangalawa ay marahil sa lungkot, dahil sa aking kawalan ng tiwala at pag-asa sa pambansang pulitika ng pilipinas.

aking natanong sa sarili, kailan po kaya mangyayari dito sa pilipinas ang makasaysayang halalan na naganap sa amerika?

kailan kaya magbabago ang mga botanteng pilipino? na ang dapat na ihalal ay ang siyang tunay na makakatulong at karapatdapat sa pagka-pangulo. at hindi ang puro personalidad sapagkat kilala ang pangalan ngunit kung susuriin ay wala naman kakayahan. ang kaya lang gawin ay magnakaw sa kaban ng bayan.

kailan kaya magbabago ang mga pulitiko dito sa pilipinas? na ang tanging layunin sa pagtakbo sa halalan ay kundi ang makatulong sa bayan at hindi intindihin ang pang sariling interes, pamumulitika at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

kung ikaw ay pulitiko na nagbabasa nitong isinulat ko, pu!@#$%^&* mo!!!

kailan mo tinanong sa sarili mo ito..."meron na ba ako nagawang tama para bayan kaya ako'y karapatdapat sa aking posisyon?". pero malamang hindi! dahil manhid ka na sa kapangyarihan at ganid na kalooban.

tsk tsk tsk!!! @#$%^&*@#$%!!!

ikaw ordenaryong tao, iboboto mo pa ba ang mga trapong pulitiko na mga walang silbi???

Wednesday, October 29, 2008

Diesel at Gasolina....Roll Back!!!



huwaw!!! ang galing naman!!!

pagkaraan ng may ilang panahon eh nag-rollback na din ang mga gahaman na kumpanya ng gasolina. ang tagal-tagal nang bumagsak ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado pero ngayon lang nag-rollback. bitin pa!

tsk! tsk! tsk!

haaaaayyyy!!! ang tanong! eh kelan naman kaya ang rollback ng pasahe sa mga pang-publikong sasakyan???

hoy kayong mga tsuper!!! naka ilang beses na ang rollback, kelan kayo magbababa ng pasahe, HA!?!?!?!

kayong mga ordenaryong tao, tinanong nyo na ba ang mga tsuper kung kelan sila magbababa ng pasahe???