Wednesday, July 4, 2007

Nakaw na Larawan

Tsk tsk tsk. Akin pong napag-alaman na isang kaibigan ang
ninakawan ng larawan.

Hindi po "stolen shot" sa aking kaibigan ang aking binabanggit
hehehe...kundi, ang kanyang obrang larawan na kuha nya mismo sa
kanyang kamera ang syang ninakaw.

Napag-alaman ko po na isa sa mga pangunahing peryodiko ang
nag-limbag ng kanyang larawan. Ni wala man lang ni-ha ni-ho
sa mga kinauukulan ng nasabing peryodiko na nagpapaturing na
ang larawan ay pag-aari at may permiso galing sa aking
kaibigan.

Ngayon, nakausap nang aking kaibigan ang editor ng peryodiko.
Aba'y alam nyo po ba kung anong sabi? "Anong gusto mong
mangyari!?!" Aba!!! Napaka-arogante pala nitong editor na ito.
Sila na itong nagnakaw ng larawan sa kaibigan ko sila pa tong
kung akala mo kung sino.

At mantakin nyo po ba na inakusahan pa nya ang aking
nagpakukumbabang kaibigan na gusto silang kasuhan. Wala pa man
ding ginagawa ang aking kaibigan kundi ang kausapin sila at
makuha ang kanilang panig kung paano at bakit nila nilimbag
ang naturang larawan.

Ang maipapayo ko lang sayo aking kaibigan ay kumunsulta ka na
sa iyong abogado at kasuhan mo ng tuluyan ang mga aroganteng
magnanakaw na yan at ng maturuan ng leksyon.

At sa editor na arogante...

No comments: