Monday, September 15, 2008

T...inapay...T...ubig...T...ataas!!! @#$%^&*

Anakanampotah naman talaga oo!!! Grrrrrrrrrrr @#$$%^&*!!!

Mantakin mo naman na tataas ang presyo ng tinapay. Tapos susunod naman eh tataas ang singil sa tubig ng 31 centavos per cubic meter. Tsk tsk tsk...saan ka pa naman pupunta nyan???

At eto pa, bumaba na ang presyo ng langis kada bariles sa pandaigdigang merkado. Dito lang sa Pilipinas nangyayari yun, tataas ang presyo ng langis, tataas din ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng ordenaryong tao. Bababa ang presyo ng langis, tataas pa din ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng ordenaryong tao.

Ano ba naman yan!!! @#$%^&*&^%$#@!!!

Tapos eto pang isa, nagkadoble-doble pa ang nakawan ng mga inutil sa senado dun sa proyekto ng C5. Talaga naman!!! Ang kakapal ng mukha nyo!!!

Para maiba naman....Gumawa naman kayo ng tamaaaaaaaaaaaaaaa!!! Puro pagnanakaw na lang ang inaatupag nyo dyan samantalang madaming tao naghihirap.

No comments: