Friday, June 29, 2007

Pamasahe sa Dyip 7.50 na ulit!!!

Opo!!! Tama po ang basa ninyo!!! Ibabalik na sa siyet...e singkwenta pesos ang ating pamasahe sa darating na Hulyo 4.

Alam nyo, ako po'y sadyang nagtataka kung bakit.

Kung atin pong papansinin, ang halaga ng piso ay malakas laban sa dolyar. Ang sabi sabi, mataas lang daw talaga ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Pero ganon pa man, sadya ba talaga na kapag bumaba ang palitan ng piso at dolyar ay magtataas ang mga presyo ng pamasahe at pangunahing bilihin???

O sadya ba talaga na kapag tumaas ang palitan ng piso at dolyar ay magtataas pa din ang mga presyo ng pamasahe at pangunahing bilihin???

Aba'y san po ba tayo lulugar???

Tuesday, June 26, 2007

Plate Number sa Helmet???

Ano na naman pong kabobohan yan? Ito po ba'y pinag-isipan?

Sa mga kagaya ko po na nuon ay naka-kotse tapos ay lumipat sa pagmo-motorsiklo upang makatipid-tipid sa pang-gasolina't pamasahe, kayo po ba'y sang-ayon na ilagay ang
plate number ng inyong motorsiklo sa inyong helmet?

Hala! At ang gusto pa po'y kita ang mga letra't numero sa 25 metro
ang layo.

Anak ng!!!