Monday, September 3, 2007

Singil sa Kuryente...Tataas!!! @#$%^&*

Anakanampotah naman talaga oo!!! Grrrrrrr @#$%^&*&^%$#@!!!!

Magtataas na naman ang singil sa kuryente ng PHP6.23/kwh!!!

Wala ngang dagdag sa sahod pero kaliwa't kanan ang taas ng mga pangunahing pangangailangan ng mga ordernaryong tao.

Hoy mga taong nangingitlog dyan sa gobyerno!!! Wala na siguro kayo manakaw at gumagawa na naman kayo ng paraan para holdapin ang mga ordernaryong tao!!!

Wednesday, July 4, 2007

Nakaw na Larawan

Tsk tsk tsk. Akin pong napag-alaman na isang kaibigan ang
ninakawan ng larawan.

Hindi po "stolen shot" sa aking kaibigan ang aking binabanggit
hehehe...kundi, ang kanyang obrang larawan na kuha nya mismo sa
kanyang kamera ang syang ninakaw.

Napag-alaman ko po na isa sa mga pangunahing peryodiko ang
nag-limbag ng kanyang larawan. Ni wala man lang ni-ha ni-ho
sa mga kinauukulan ng nasabing peryodiko na nagpapaturing na
ang larawan ay pag-aari at may permiso galing sa aking
kaibigan.

Ngayon, nakausap nang aking kaibigan ang editor ng peryodiko.
Aba'y alam nyo po ba kung anong sabi? "Anong gusto mong
mangyari!?!" Aba!!! Napaka-arogante pala nitong editor na ito.
Sila na itong nagnakaw ng larawan sa kaibigan ko sila pa tong
kung akala mo kung sino.

At mantakin nyo po ba na inakusahan pa nya ang aking
nagpakukumbabang kaibigan na gusto silang kasuhan. Wala pa man
ding ginagawa ang aking kaibigan kundi ang kausapin sila at
makuha ang kanilang panig kung paano at bakit nila nilimbag
ang naturang larawan.

Ang maipapayo ko lang sayo aking kaibigan ay kumunsulta ka na
sa iyong abogado at kasuhan mo ng tuluyan ang mga aroganteng
magnanakaw na yan at ng maturuan ng leksyon.

At sa editor na arogante...

Sunday, July 1, 2007

Ilaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw!!!

Umaga ng sabado, ako'y po'y naghahanda ng aking sarili para sa lakad ng araw na yaon.

Ng biglang....broooooooooooown out!!! arrrrrrrrrgh!!!

Ano ba naman klaseng serbisyo yan!?!?!

Ako po'y sadyang nagtataka. Napakamahal ng kuryenteng binabayaran tapos ganyan???

Pag gusto nilang magtaas ng singil, aba'y walang kagatol-gatol at itataas bigla!!!

Pero pag nagka-aberya naman, walang patumanggang puro pasensya lang ang ating maririnig.

Hoooooooooooy!!! Nagbabayad kami ng maayos!!! Ayusin nyo ang pagse-serbisyo nyo!!!

Anakng!!!

Friday, June 29, 2007

Pamasahe sa Dyip 7.50 na ulit!!!

Opo!!! Tama po ang basa ninyo!!! Ibabalik na sa siyet...e singkwenta pesos ang ating pamasahe sa darating na Hulyo 4.

Alam nyo, ako po'y sadyang nagtataka kung bakit.

Kung atin pong papansinin, ang halaga ng piso ay malakas laban sa dolyar. Ang sabi sabi, mataas lang daw talaga ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Pero ganon pa man, sadya ba talaga na kapag bumaba ang palitan ng piso at dolyar ay magtataas ang mga presyo ng pamasahe at pangunahing bilihin???

O sadya ba talaga na kapag tumaas ang palitan ng piso at dolyar ay magtataas pa din ang mga presyo ng pamasahe at pangunahing bilihin???

Aba'y san po ba tayo lulugar???

Tuesday, June 26, 2007

Plate Number sa Helmet???

Ano na naman pong kabobohan yan? Ito po ba'y pinag-isipan?

Sa mga kagaya ko po na nuon ay naka-kotse tapos ay lumipat sa pagmo-motorsiklo upang makatipid-tipid sa pang-gasolina't pamasahe, kayo po ba'y sang-ayon na ilagay ang
plate number ng inyong motorsiklo sa inyong helmet?

Hala! At ang gusto pa po'y kita ang mga letra't numero sa 25 metro
ang layo.

Anak ng!!!